bakit.blogsome.com

Wala LangJanuary 8, 2006 2:23 pm

Wow. Tagal kong nawala sa eksena. Hay, buhay. Minsan nakakalimutan ko na may blog pa pala akong dapat i-update. Sayang. Sana marami na akong mambabasa. Pero, teka. Wala pa naman akong nasulat na maganda eh.

Kung sabagay maganda to dahil buwan ng enero sa taong 2006. Magandang simula para sa blog na to. At sana maka pag sulat ako ng madalas ngayon.

Ano naman kayang mga problema ang dadating sa taong 2006, taon ng aso sa kalendaryo ng mga intsik? Hay, sana maganda ang dadating sa taon na ito. Maraming kapal-pakan na nangyari noong 2005. Sana hindi na maulit.

Wala LangNovember 7, 2005 9:39 am

Ang tanong na bakit ay mahirap sagutin. Ang tanong na saan, ano, paano at kailan ay masasagot kahit sa isang linya lamang. Pero ang tanong na bakit ay mahirap saguting sa isang sentence. At ang sagot sa tanong na bakit ay may pangalan, tawag doon ay dahilan. Ang dahilan ay ang sagot sa tanong na bakit. Kung ikaw sumasagot sa tanong na bakit, ikaw ay nagpapaliwanag.

Ang tanong na bakit ay paboritong tanong ng mga pilosopo. Bakit? - ayan bakit na naman. Dahil ang sagot sa bakit ay sagot na nagbibigay liwanag sa mga hindi nai-initindihang bagay - kaya ka nagpapaliwanag. Minsan ang sagot sa bakit ay pwedeng tanungin ng bakit din. Pero sa tanong na naghahangad na magbigay liwanag, ito rin ang nagbibigay ng labo. Kaya magtatanong ka ulit ng bakit hangang sa walang katapusang bakit.

Wala LangNovember 5, 2005 9:14 pm

Topiko sa usap-usapan sa kapehan kahapon ng hapon, pagod na ang mga mangangape kay Gloria. Sa buong buhay daw nila, ngayon lang sila nadama ang paghihirap. Baka sabihin niyo mayaman ang mag ito. Hindi po. Mga ordinaryong tao ang mga nag-uusap.

Mula sa simula hanggang wakas puro reklamo ang maririnig sa loob ng kapehan. Hanggang sa mapunta ang usapan sa takbo ng buhay ng mga Pilipino noong si Marcos pa ang presidente. Di ko alam na napapaligiran pala ako ng mga taong sumusuporta kay Marcos. Inihahambing ang mga presyo ng bilihin, pagpapatakbo ng pamahalaan, pagnenegosyo at marami pa.

Ayon sa mga mangangape, kahit na magnanakaw si Marcos, kaya niyang patakbuhin ang gobyerno. Alam niya kung saan dadalhin ang bansa. Ika nga ng mga tao sa kapehan, “ok lang magnakaw siya basta siya lang at nananatiling masaya ang bayan”. Dahil hindi ako regular customer ng kapehang yun, di ko makuhang sumagot.

Isa pang dahilan na hindi ako sumagot ay hindi ko naranasan ang actual na buhay noong panahon ni Marcos. Bilang isang musmos na bata at wala pang muwang, di ko nakikita kung ano talaga ang nangyayari sa aking pagligid. Ang nakikita ko lamang noon ay, oo, maganda talaga ang takbo ng aming buhay. Hindi iyong mga kasakiman at karahasan ng aking mundo.

Ilang beses na ba tayong nagpalit ng presidente at umaasang gumanda ang takbo ng buhay ng mga Pilipino? Di tayo natuto sa bawat pagpalit na iyon. Masamang ehemplo yata ang EDSA. Umaasa na lang tayo na kaya natin paalisin ang mga nasa pwesto kung mage-EDSA ulit tayo. Di natin siniseryoso ang tamang paraan ng pagpalit ng mga namamahala. Binabale wala ang election. Ang election ang may pasimuno ng mga problema natin. Hinahayaan nating bilhin ang ating karapatan bumoto.

Bakit Nga Ba 1:31 pm

Nabasa ko lang sa Ambot Ah blog na may bagong pinagkaka-abalahan na pala si presidente. Siya ngayon ay isa na ring blogger. Ang blog niya mababasa dito. Ang tanong ko bakit?. Ayan may bakit na naman. So bakit nga ba?

Gusto ko na sanang maniwala sa kay presidente nga yung blog pero bumigay ang manunulat nitong hapon lang. Pero ok lang kahit na hindi naman talaga si presidente ang may ari ng blog. Nakatuwaan lang ng mga tao ngayon na gawing katatawanan ang image ng presidente. Nakaka-aliw. Parang showbiz na showbiz na rin ang pinoy blogosphere.

Bakit Nga Ba 3:16 am

Kung pagbukas niyo ng browser niyo kaninang umaga at bumulaga sa inyo ang balita na merongTRO ang PCIJ blog, alam ko kung ano ang unang pumasok sa isip mo. Bakit? Tama. Bakit nga ba?

Ang katanungan ay masasagot ng article na nasa PCIJ ukol dito. Pero kung katulad mo ako na medyo may kahinaan, halika isi-share ko sayo ang katiting na nalalaman ko sa TRO na yan.

Ang TRO o Temporary Restraining Order ay binibigay ng korte para pigilin kung ano man ang ginagawa ng isang entity, tao man o hindi. Sa hindi taong entities, example nito ay mga corporations. Basta may legal identity, yari sa korte.

Binibigay ang TRO dahil hinihingi ng isang partido na umano ay naapakan ang karapatan. Ang TRO ay may term na nakasaad. Hindi pwedeng indefinite dahil temporary nga. Hindi po ito ibig sabihin guilty ang pinatawan nito.

Na TRO ang PCIJ Blog dahil ito umano ay lumapas sa right to privacy ng pamilyang Tiongco. Kaya ayan, ginupit ng korte ang freedom of speech ng PCIJ.

Ayan, sana naliwanagan kayo ng konti. Magenrol nalang sa Law School kung gusto niyo ng extensive explaination ukol sa TRO, baka pumasa pa kayo sa BAR. Medyo nabasa ko lang sa isang primer. Dahil di naman ako abogado, kung may mali sa sinabi ko comment nalang sa ibaba.

Wala Lang 2:52 am

Masaya to. Kung dito sa bakit.blogsome.com ay maraming tanong, meron nang katapat na blog na sasagot sa mga tanong na “bakit?

Kaka launch lang ng Sagot Sa Bakit Blog. Pero bakit - ayan bakit na naman - parang galit ang author dun? Sana wala lang personalan. Bigyan natin ng maganda, nakakatuwa at, paminsan-minsan, informative na mababasa ang mga Pinoy Bloggers.

O ikaw na. Sagot Sa Bakit.

Bakit Nga BaNovember 4, 2005 3:25 am

Bakit sikat ang Pinoy Big Brother ngayon? Siguro alam na ng nakakarami kung bakit. Pero, bakit nga ba? Ano ba ang show na yan? Ano ba meron sa show na yan? Sino-sino ba ang mga nandiyan? Bakit inaabangan ng marami?

Ang Pinoy Big Brother ay isang reality show. Ang reality show ay isang palabas kung saan ang mga karakter ay mga totoong tao. Mapa artista man o hindi. Basta ang tema ay tungkol sa tunay na buhay. Iba ito sa True-to-life story dahil ito ay nangyayari sa kasalukuyan. Ang True-to-Life story ay istorya na hango sa nakaraan. Dapat walang script ang reality show. Ito ang pinaka-recipe ng kasikatan ng mga reality tv show sa ngayon.

Sa Pinoy Big Brother, tulad ng ibang reality tv show ay may mga taong lumalaban kontra ang ibang kasamahan sa show para sa premyo. May mga natatanggal at ang ma-iwan ay siyang panalo. May mga challenges silang ginagawa upang ipakita kung bakit sila nararapat na ma-iwan sa show. Depende sa tipo ng pagtanggal ang strategy ng mga miyembro. Ang tanggalan sa Pinoy Big Brother ay bina-base sa boto ng mga miyembro at mga boto ng mga manonood sa pa-mamagitan ng txt - negosyo po to.

Dahil sa boto ng mga manonood lalong sumaya ang Pinoy Big Brother. Bawat manonood ay may kanya-kanyang idolong sinusuportahan. Kaya iboboto niya ang kanyang idolo at sisiraan ang mga kalaban nito. Maghahanap siya ng mga kakampi at away na ng mga fans. Lagyan mo pa ng konting controversy at perpekto na ang iyong show.

Wala LangNovember 2, 2005 9:26 pm

Nitong lunes lang, nasa P33.60 kada litro palang ang presyo ng diesel fuel. Kahapon medyo napansin ko na nasa P33.90 na pala ang presyo nito. Bakit tumaas? tanong ko sa kasama ko. Sagot niya, ewan. Sanay na daw siya sa walang humpay na pagtaas ng mga presyo. Di na niya pinapansin kung tumaas nga ba o hindi.

Di ba ngayong buwan magsisimulang i-implement ang E-VAT? Yun, baka yun ang dahilan. Ok, eh di sige. Next tax measure, please. Kaya pa naman ng pinoy eh. Marami na ang nagugutom, pero kaya pa. Sino kayang matalino sa kongreso ang makapag draft ng tax sa blogging. Pwede kaya?

Wala Lang 8:25 pm

Binisita ko ang mga Bakit TLDs. Ang bakit.com ay isang blog ng kanong expat na dito natatala sa Pilipinas. Ang bakit.net ay isang foreign IT company. Walang may ari ng bakit.org.

Sa mga CLDs na naka-assign sa Pilipinas, wala ring may nagmama-ari ng bakit.com.ph, bakit.ph, bakit.net.ph at bakit.org.ph. Magaganda ang mga domain na to. Maikli lang at parang may pag kontrobersyal ang dating. Madaling tandaan.

O baka magtanong kayo, bakit di ko bilhin ang mga domains na yan? Oo nga no? Bakit hindi? Pag-iisipan ko kung anong pwedeng gawin dyan. Sa ngayon masaya na ako dito sa blogsome.

Bakit Nga Ba 6:40 am

Bakit pare-pareho tunog ng mga banda ngayon. Pakinggan mo ang HALE, Cueshe, Sugarfree, Imago, Kitchie Nadal, Mojofly at marami pang iba. Sa sobrang pagkakahawig ng pagka-tugtog ay di ko na tuloy alam kung isang buong album pinapakinggan ko pag nakinig sa FM stations.

Parang usong-uso ang 70’s to 80’s look sa mga to ngayon. Pag nanood ka ng MTV at MYX ganun din. Noong una kong narinig ang mga ganyang tipong tugtog ay nakaka-refreshing ng dating. Pero di naglaon ay lahat ganyan din ang tugtog. To the point na, nakakasuka na. Pero marami pa rin na-gagandahan. Syempre pag marami pang mga fans ang gustong makinig, tuloy pa rin ang mga ganyang genre.

Buti nalang minsan sa NU107 may mga foreign bands na napatugtog. Pero ganun pa rin ang tunog eh. Ano ba tawag dun? EMO ba yun? Parang pina-sosyal na version ng mga kanta ni April Boy Regino. Mga kanta na parang love song, parang galit sa mundo, parang ewan.

O ang mga galit dyan comment nalang sa ibaba.