Bakit ba naloloko ang mga tao sa Pinoy Big Brother?
Kahit saan ako pumunta, bukang bibig ng mga tao ay Pinoy Big Brother. Kanya-kanyang idolo. Sa mga forums nag aaway ang mga fans. Tanga daw si ganito, me topak naman daw si ganyan.
Ano ba talaga inaabangan dun? Inherent na siguro sa tao maging voyeur. Nagi-enjoy tayong nanonood ng mga pribadong pangyayari sa buhay ng ibang tao. Kaya marami ang mga tsismosa’t tsismoso. Kailangan malaman ang mga sikreto ng iba.
At, oo nga pala, bakit tila yata lahat ng show ng ABS-CBN ay may Pinoy Big Brother na portion. Sobra ang pag market nila sa Pinoy Big Brother. Para bang ito nalang ang sasagip sa palubok na nilang network. Wala na bang iba?
Ang galit mag comment nalang sa ibaba.





