Magda-dalawang linggo na nakalipas nang maipasa ko ang application ko para magka broadband. Hanggang ngayon wala parin. Napuntahan ko na ang opisina ng landline company dito sa bahay at ang sabi eh wala pa daw available. Teka teka.

Sabi sa akin ng nag inquire ako, “wala pang available”. Nagtanong ako kung ano ibig sabihin ng “wala pang available”. Sagot ng babaeng Customer Service ay “wala pang available”. Tanga ang p&%@.

Nagtanong ulit ako. Baka ‘kako ibig nilang sabihin wala silang tao o kulang ang equipment. Diin pa rin ng babae, “walang available, sa area”. Inquire nalang daw ulit. Ok.

Kaya eto. Nasa dialup pa rin. Sus, magbabasa ka lang ng news sa INQ7.net mauubos ang load mo. Sa sandamukal na mga blogs ang babasahin ko, matagal tagal din ang hihintayin ko.