Bakit sikat ang Pinoy Big Brother ngayon? Siguro alam na ng nakakarami kung bakit. Pero, bakit nga ba? Ano ba ang show na yan? Ano ba meron sa show na yan? Sino-sino ba ang mga nandiyan? Bakit inaabangan ng marami?

Ang Pinoy Big Brother ay isang reality show. Ang reality show ay isang palabas kung saan ang mga karakter ay mga totoong tao. Mapa artista man o hindi. Basta ang tema ay tungkol sa tunay na buhay. Iba ito sa True-to-life story dahil ito ay nangyayari sa kasalukuyan. Ang True-to-Life story ay istorya na hango sa nakaraan. Dapat walang script ang reality show. Ito ang pinaka-recipe ng kasikatan ng mga reality tv show sa ngayon.

Sa Pinoy Big Brother, tulad ng ibang reality tv show ay may mga taong lumalaban kontra ang ibang kasamahan sa show para sa premyo. May mga natatanggal at ang ma-iwan ay siyang panalo. May mga challenges silang ginagawa upang ipakita kung bakit sila nararapat na ma-iwan sa show. Depende sa tipo ng pagtanggal ang strategy ng mga miyembro. Ang tanggalan sa Pinoy Big Brother ay bina-base sa boto ng mga miyembro at mga boto ng mga manonood sa pa-mamagitan ng txt - negosyo po to.

Dahil sa boto ng mga manonood lalong sumaya ang Pinoy Big Brother. Bawat manonood ay may kanya-kanyang idolong sinusuportahan. Kaya iboboto niya ang kanyang idolo at sisiraan ang mga kalaban nito. Maghahanap siya ng mga kakampi at away na ng mga fans. Lagyan mo pa ng konting controversy at perpekto na ang iyong show.