Ang tanong na bakit ay mahirap sagutin. Ang tanong na saan, ano, paano at kailan ay masasagot kahit sa isang linya lamang. Pero ang tanong na bakit ay mahirap saguting sa isang sentence. At ang sagot sa tanong na bakit ay may pangalan, tawag doon ay dahilan. Ang dahilan ay ang sagot sa tanong na bakit. Kung ikaw sumasagot sa tanong na bakit, ikaw ay nagpapaliwanag.
Ang tanong na bakit ay paboritong tanong ng mga pilosopo. Bakit? - ayan bakit na naman. Dahil ang sagot sa bakit ay sagot na nagbibigay liwanag sa mga hindi nai-initindihang bagay - kaya ka nagpapaliwanag. Minsan ang sagot sa bakit ay pwedeng tanungin ng bakit din. Pero sa tanong na naghahangad na magbigay liwanag, ito rin ang nagbibigay ng labo. Kaya magtatanong ka ulit ng bakit hangang sa walang katapusang bakit.






Alam naman natin na ganun ang Tanong na bakit,,,, subalit magiging malinaw sa tinatanong, ang tanong na bakit kung ito ay may kasama pang ibang salita na nauukol sa tinatanong na bakit. Ang tanong na bakit ay maaaring pag-mulan ng ano mang sitwasyon, kaya dapat maging wais tayo sa pagtatanong ng bakit.
Comment by Jahy Ar Tonds 1203 — November 21, 2005 @ 4:23 pm
Comment by yujuthshsth — November 21, 2005 @ 4:27 pm