bakit.blogsome.com

Wala LangJanuary 8, 2006 2:23 pm

Wow. Tagal kong nawala sa eksena. Hay, buhay. Minsan nakakalimutan ko na may blog pa pala akong dapat i-update. Sayang. Sana marami na akong mambabasa. Pero, teka. Wala pa naman akong nasulat na maganda eh.

Kung sabagay maganda to dahil buwan ng enero sa taong 2006. Magandang simula para sa blog na to. At sana maka pag sulat ako ng madalas ngayon.

Ano naman kayang mga problema ang dadating sa taong 2006, taon ng aso sa kalendaryo ng mga intsik? Hay, sana maganda ang dadating sa taon na ito. Maraming kapal-pakan na nangyari noong 2005. Sana hindi na maulit.

Wala LangNovember 7, 2005 9:39 am

Ang tanong na bakit ay mahirap sagutin. Ang tanong na saan, ano, paano at kailan ay masasagot kahit sa isang linya lamang. Pero ang tanong na bakit ay mahirap saguting sa isang sentence. At ang sagot sa tanong na bakit ay may pangalan, tawag doon ay dahilan. Ang dahilan ay ang sagot sa tanong na bakit. Kung ikaw sumasagot sa tanong na bakit, ikaw ay nagpapaliwanag.

Ang tanong na bakit ay paboritong tanong ng mga pilosopo. Bakit? - ayan bakit na naman. Dahil ang sagot sa bakit ay sagot na nagbibigay liwanag sa mga hindi nai-initindihang bagay - kaya ka nagpapaliwanag. Minsan ang sagot sa bakit ay pwedeng tanungin ng bakit din. Pero sa tanong na naghahangad na magbigay liwanag, ito rin ang nagbibigay ng labo. Kaya magtatanong ka ulit ng bakit hangang sa walang katapusang bakit.

Wala LangNovember 5, 2005 9:14 pm

Topiko sa usap-usapan sa kapehan kahapon ng hapon, pagod na ang mga mangangape kay Gloria. Sa buong buhay daw nila, ngayon lang sila nadama ang paghihirap. Baka sabihin niyo mayaman ang mag ito. Hindi po. Mga ordinaryong tao ang mga nag-uusap.

Mula sa simula hanggang wakas puro reklamo ang maririnig sa loob ng kapehan. Hanggang sa mapunta ang usapan sa takbo ng buhay ng mga Pilipino noong si Marcos pa ang presidente. Di ko alam na napapaligiran pala ako ng mga taong sumusuporta kay Marcos. Inihahambing ang mga presyo ng bilihin, pagpapatakbo ng pamahalaan, pagnenegosyo at marami pa.

Ayon sa mga mangangape, kahit na magnanakaw si Marcos, kaya niyang patakbuhin ang gobyerno. Alam niya kung saan dadalhin ang bansa. Ika nga ng mga tao sa kapehan, “ok lang magnakaw siya basta siya lang at nananatiling masaya ang bayan”. Dahil hindi ako regular customer ng kapehang yun, di ko makuhang sumagot.

Isa pang dahilan na hindi ako sumagot ay hindi ko naranasan ang actual na buhay noong panahon ni Marcos. Bilang isang musmos na bata at wala pang muwang, di ko nakikita kung ano talaga ang nangyayari sa aking pagligid. Ang nakikita ko lamang noon ay, oo, maganda talaga ang takbo ng aming buhay. Hindi iyong mga kasakiman at karahasan ng aking mundo.

Ilang beses na ba tayong nagpalit ng presidente at umaasang gumanda ang takbo ng buhay ng mga Pilipino? Di tayo natuto sa bawat pagpalit na iyon. Masamang ehemplo yata ang EDSA. Umaasa na lang tayo na kaya natin paalisin ang mga nasa pwesto kung mage-EDSA ulit tayo. Di natin siniseryoso ang tamang paraan ng pagpalit ng mga namamahala. Binabale wala ang election. Ang election ang may pasimuno ng mga problema natin. Hinahayaan nating bilhin ang ating karapatan bumoto.

Wala Lang 2:52 am

Masaya to. Kung dito sa bakit.blogsome.com ay maraming tanong, meron nang katapat na blog na sasagot sa mga tanong na “bakit?

Kaka launch lang ng Sagot Sa Bakit Blog. Pero bakit - ayan bakit na naman - parang galit ang author dun? Sana wala lang personalan. Bigyan natin ng maganda, nakakatuwa at, paminsan-minsan, informative na mababasa ang mga Pinoy Bloggers.

O ikaw na. Sagot Sa Bakit.

Wala LangNovember 2, 2005 9:26 pm

Nitong lunes lang, nasa P33.60 kada litro palang ang presyo ng diesel fuel. Kahapon medyo napansin ko na nasa P33.90 na pala ang presyo nito. Bakit tumaas? tanong ko sa kasama ko. Sagot niya, ewan. Sanay na daw siya sa walang humpay na pagtaas ng mga presyo. Di na niya pinapansin kung tumaas nga ba o hindi.

Di ba ngayong buwan magsisimulang i-implement ang E-VAT? Yun, baka yun ang dahilan. Ok, eh di sige. Next tax measure, please. Kaya pa naman ng pinoy eh. Marami na ang nagugutom, pero kaya pa. Sino kayang matalino sa kongreso ang makapag draft ng tax sa blogging. Pwede kaya?

Wala Lang 8:25 pm

Binisita ko ang mga Bakit TLDs. Ang bakit.com ay isang blog ng kanong expat na dito natatala sa Pilipinas. Ang bakit.net ay isang foreign IT company. Walang may ari ng bakit.org.

Sa mga CLDs na naka-assign sa Pilipinas, wala ring may nagmama-ari ng bakit.com.ph, bakit.ph, bakit.net.ph at bakit.org.ph. Magaganda ang mga domain na to. Maikli lang at parang may pag kontrobersyal ang dating. Madaling tandaan.

O baka magtanong kayo, bakit di ko bilhin ang mga domains na yan? Oo nga no? Bakit hindi? Pag-iisipan ko kung anong pwedeng gawin dyan. Sa ngayon masaya na ako dito sa blogsome.

Wala Lang 1:38 am

Meron na palang bakit.blogspot.com. Pero sayang, maganda pa naman ang URL. Di nai-maintain. Isa namang orphaned blog. Kung pwede lang sana hingin ang account na yan.

Ilan pa kayang mga blogs ang mga wala nang mga magulang? Mga blog na parang mga batang matapos ipanganak ay basta na lang iniwan. Ang mga blogs ay parang mga bata rin pala pag iniwan sa magulong lugar ay sadyang mawawala - hindi maabot, makita. Dapat din palang alagaan para lumaki at maging maligaya.

Sayang ang kapatid nito sa blogspot. Ni hindi man lamang natutong magsalita. Ang bakit.blogsome.com ay lalaki ng ng masaya. Bilang isang magulang ng blog na to, gagawan ko ng paraan. At sana kayong mga ninong at ninang ng blog na to ay masubaybayan ang kanyang paglaki.

Wala Lang 1:26 am

Bakit nga ba? Wala lang. Matanong lang kasi mga tao. Pero ang totoo, dahil libre dito sa Blogsome. Pinoy eh. Mahilig sa libre. Kung pwede lahat ng bagay makuha ng libre, gagawin ng pinoy yan. Kaya eto. Nasa Blogsome.com.

Bakit hindi sa Blogger/Blogspot? Marami nang tao dun. Tsaka, kulang ang feature ng blogger. maganda kasi kung may categories yung mga entries mo. At pangit na reputasyon ng mga blogs sa blogger/blogspot. Marami na spam blogs -splogs - dun. Kaya dito na lang. Di ko alam kung available ang bakit.blogspot.com. Susubukan ko pagkatapos nito.

Eh para saan naman ang blog na to? Lahat na yata ng topiko sa mundo nai-blog na, meron pa kayang masulat dito na wala sa iba? Wala pinagkaiba sa ibang blog to. Nasa pangalan lang. Pero pipilitin nating pasayahin ang mga masulat dito.

At babala blog ito ng isang taong walang magawa. Kaya pasensya na kung minsan walang ka-kwenta kwenta ang mga mababasa dito. Hala sige. Tapos na ako sa traditional introduction ng blog.